top of page

Kailan Ba Talaga Pinanganak si Maria?


Source: Old Tearful Mary. Unknown Painter.(1400s), CBS News

May nagtanong sa akin, “Di ba bukas birthday ni Mama Mary?”. Kahit alam ko na ang sagot, nagsagawa pa rin ako ng malalim na pagsasaliksik. Ayon sa aking pagsasaliksik, hindi “birthday” ni Mama Mary ang Dec. 8 kahit sa pananaw ng Simbahang Katoliko sapagkat hindi ito ang literal na kaarawan kundi “Immaculate Conception” na ang ibig sabihin ay milagrosang pagdadalang-tao ni Anna kay Maria.


Nasanay ang mga Katoliko na ang alam ay ang Sept 8, ang birthday ni Mama/Mother/Virgin Mary at hindi ang Dec. 8. Ngunit kung aaralin, ayon kay Rev. Matthew R. Mauriello, wala sa Bibliya natin ngayon ang saktong araw ng kapanganakan ni Maria1. Ayon sa Catholicism.org, pinanganak daw si Maria labinglima tatlong buwan at labimpintong araw (15 yrs, 3 months, & 17 days) bago pinanganak si Hesus. Ngunit kahit ang impormasyong ito ay hindi binabanggit kung saan nakuha ng Catholicism.org.


Ngunit kung gayon nga, kailan talaga pinanganak si Hesus? Ayon kay Dave Renke, isang siyantipiko, maaaring ang talagang kapanganakan ni Hesus ay sa panahon ng tag-init noong June 17, 2. B. C. sapagkat sa araw na iyon nagsama ang Jupiter at Venus na nagresulta na isang malaki at maliwanag na “bituin”3 na nakita ng mga magi (wise persons), o astrologo ayon sa Ebanghelyo ni James. Ayon sa mga eksperto o iskolar ng Bibliya, malabong December 25 talaga ang kapanganakan ni Hesus dahil na rin hindi lumalabas ang mga pastol para magbantay ng mga tupa sa panahon ng taglamig. So kung 2 B. C. pinanganak si Hesus, pinanganak si Maria ng March 17, 17 B. C. Maraming haka-haka o teorya sa araw ng kapanganakan ni Maria ngunit sa aking pananaw mas tama o malapit sa katotohanan ang March 17, 17 B. C.


May nagsasabi pa sa catholicforum.org na ayon kay “Our Lady of Medjugorje” August 5 daw sya pinanganak ngunit taliwas ito sa karamihan raw na aparisyon ng Birheng Maria sa karamihan ng Katoliko kaya hindi maasahan ang impormasyong ito. Mayroon ding vidyo si Alan Tat na pinamagatang “Birth Date of Jesus is Written Precisely in the Holy Bible” sa Youtube ngunit walang impormasyon kung sino siya at ang kanyang background kaya hindi ko na siya sinama sa mga mapagkakatiwalaang impormasyon ngunit maganda rin pagnilayan at intindihin ng isang advanced Christian reader. Hindi ko nirerecomenda ito sa mga baguhang mambabasa ng Bibliya sapagkat imbes na makatulong ay magdulot pa ng pagkalito.


Ngunit ayon kay Rev. Mauriello, napili ang Sept 8 kasi ang Civil Year ng Constantinople noon ay nagsisimula ng September 1. Naniniwala raw ang mga iskolar kasi simbolo raw ito ng “panimula” ng pagliligtas malapit sa bagong taon. Mga labinlimang daang taon lamang ginagawa ng mga Katoliko ang obserbahan ang kaaarawan ni Maria bilang Sept. 8 mula noong Council of Ephesus taong 431 A. D.1


Hindi man natin alam ang eksakto at siguradong araw ng kapanganakan ni Maria, nalathala naman ang detalye ng kanyang buhay sa Ebanghelyo ni Santiago ayon na rin kay Rev. Mauriello. Nakasulat sa ebanghelyong ito:


“Suddenly, an angel of the Lord stood in front of her, saying, ‘Anna, Anna, the Lord God has heard your prayer. You will conceive and give birth and your child will be spoken of everywhere people live. And Anna said, ‘As the Lord God lives, whether I give birth to either a male or a female child, I will bring it as an offering to the Lord my God and it will be a servant to him all the days of its life."-Gospel of James 4: 1.4

Ngayong Dec. 8, mainam din na maglaan tayo ng oras upang basahin ang ebanghelyong ito at pagnilayan kung sino si Maria, bilang Ina ni Hesus. Naging biktima rin ba siya ng isang mapanghusgang lipunan? Bakit kinailangan nilang lumipat ng Bethlehem? Anong klaseng babae ba si Maria? Matapang, palaban, o sumusunod lang sa agos? Siya ba talaga ay malasutla ang balat hanggang pagtanda nya na parating nakangiti? O may pinagdaanan siyang mabigat pero sinusubukan nyang maging matatag? Iyan lamang ang ilan sa mga katanungan na maaari nating pagnilayan.

Hindi ako eksperto. Marunong lamang magresearch sapagkat trabaho ko rin ito. Ang gusto ko lamang ay magsaliksik din ang tao upang malaman ang katotohan. Wag tayong makuntento kung ano lang ang sinabi sa atin o ipinasa sa atin. Maging matalino tayong mananam

palataya na may gawa.

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page